TUGUEGARAO CITY- Naniniwala ang Samahan ng mga Mangingisda sa Rehion at Local na maganda ang dredging sa bukana ng ilog sa Aparri, Cagayan.

Sinabi ni Jaime Yusores, chairman ng nasabing grupo na kailangan na rin ang dredging dahil sa mababaw at barado na ang nasabing bahagi ng ilog.

Naniniwala siya na sa pansamantala lang ang nararanasang problema ngayon ng mga mangingisda sa lugar na wala umanong nahuhuli na mga isda dahil sa dredging.

Ayon sa kanya, mas mararamdaman ang mas magandang pang-matagalang epekto ng dredging sa sandaling matapos na ito.

Sinabi niya na normal lang na may mamamatay at mawawala ang mga isda sa lugar kung saan isinasagawa ang dredging dahil sa nasisira ang kanilang mga tirahan subalit paglaon ay babalik naman ang mga ito.din ang mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, pinayuhan niya ang mga mangingisda na apektado ng dredging na lumapit sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o kaya ay maghanap muna ng ibang lugar na maaaring mangisda.

Tugon ito ni Yusores sa reklamo ng ilang mga mangingisda sa Aparri na wala na silang nahuhuling isda sa ilog na malapit sa dredging activity.