Legal na ang kasal ng magkaparehong kasarian o same sex marriage sa Thailand, kung saan ito ang unang bansa sa Timog-Silangang Asya na nag-apruba nito.
Ang bagong batas, na magiging epektibo bukas Enero 23, ay nagbibigay ng parehong mga karapatan sa mga LGBTQ+ tulad ng sa heterosexual couples, kabilang ang kasal, mana, at medical decision-making.
Binago ng batas ang Civil at Commercial Code ng Thailand upang palitan ang mga salitang “asawa” at “husband and wife” ng neutral na wika.
Isa itong makasaysayang hakbang sa isang bansang kilala sa pagiging bukas ngunit may konserbatibong pananaw sa mga karapatan ng LGBTQ+.
Pinangunahan ng Pheu Thai party ang pagsusulong ng nasabing batas, na may layunin ng na itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa lipunan.
Inaasahan na mahigit 300 magkapareha ang magpaparehistro ng kanilang kasal sa unang araw ng pagpapatupad ng batas.
Ang hakbang ng Thailand ay itinuturing na isang mahalagang milestone para sa mga karapatan ng LGBTQ+ sa Timog-Silangang Asya, na nagpapadala ng malakas na mensahe ng pagkakapantay-pantay at inclusion.