Nagtapos mula sa programa ng gobyerno na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang “sampaguita girl” o ang nag-trending na nagtitinda ng garland ng sampaguita na nakipag-argumento sa isang security guard sa isang mall sa Mandaluyong City ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang 22-anyos na dalaga ay naging trending matapos siyang saktan at palayasin ng isang security guard habang nagtitinda ng sampaguita.

Ayon kay Gemma Gabuya, national program manager ng 4Ps, ang pamilya ng dalaga ay kabilang sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Mula 2014 hanggang 2024, tumanggap sila ng mga cash grants at iba pang tulong matapos masunog ang kanilang bahay.

Sinabi ni Gabuya na nakatanggap ang pamilya ng P15,000 na grant mula sa Sustainable Livelihood Program, P15,000 halaga ng Enhanced Support Service Interventions, at P6,500 na Alternative Family Home assistance para sa renta ng bahay.

-- ADVERTISEMENT --