Sampu sa 29 na active at dating mga pulis na may arrest warrants kaugnay sa drug haul sa Manila noong 2022 na may nakuha na P6.7 billion na shabu ang nasa kustodiya na ng kapulisan.
Sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na ang mga nasabing pulis ay sumuko at ang iba ay inaresto.
Kabilang sa mga isinasangkot sa nasabing drug operation ay kinabibilangan ng apat na patrolman, isang police lieutenant, at isang police senior master sergeant.
Tinitignan pa ng PNP ang karagdagang 19 na active at dating mga pulis na sangkot sa nasabing kontrobersiyal na drug operation.
Una rito, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na magkakaroon ng malawakan na imbestigasyon ang PNP sa mga inilunsad na drug hauls simula noong 2016 kasunod ng kautusan na sampahan ng kasong kriminal ang 30 mga pulis na sangkot sa nasabing drug haul noong 2022.
Naghain ang prosecutors ng mga kaso laban sa mga nasabing pulis, kabilang ang dalawang general, dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa mga 30 kinasuhan, inilabas na ang arrest warrants laban sa 29 sa mga ito.
Ang sinasabing paglabag ng mga ito ay ang pagtatanim ng mga ebidensiya at ang pag-antala sa prosecution ng mga drug cases.