
Muling pinatunayan ng San Miguel Beermen na sila ang hari ng All-Filipino Cup matapos talunin ang TNT Tropang Giga 5G sa Game 6 ng PBA Season 50 Philippine Cup Finals nitong Pebrero 1.
Nasungkit ng SMB ang second straight PBA Philippine Cup title upang maging back-to-back champions sa nasabing kategorya.
Natapos ang serye sa iskor na 92-77, na nagbigay sa Beermen ng kanilang 31st PBA title at ika-12 sa All-Filipino Cup.
Natanggap naman ni June Mar Fajardo ang kauna-unahang Ramon Fernandez PBA Finals MVP Trophy.
Nagbuhos siya ng 29 points at 23 rebounds sa loob ng 45 minutong paglalaro.
Bago nito’y nakuha rin ni Fajardo ang kanyang ika-13 Best Player of the Conference award.
Pinarangalan ang 6-foot-11 Cebuano bago ang Game 4 ng PBA Philippine Cup Finals sa Mall of Asia Arena noong January 28.





