
Ibinasura ng Special Division ng Sandiganbayan ang natitirang asset claims sa forfeiture case kaugnay ng umano’y ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.
Sa isang resolusyong may petsang Hunyo 2, 2026, sinabi ng korte na nagsumite ng manifestation ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) noong nakaraang 12 kung saan ipinabatid nito na hindi na nito ipagpapatuloy ang paghahain ng ebidensya para sa natitirang listahan ng mga ari-arian na hindi sakop ng mga naunang partial summary judgment.
Ang PCGG ang ahensyang inatasan ng pamahalaan upang bawiin ang umano’y ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.
Dahil dito, wala nang natitirang ebidensya na ihaharap sa ilang bahagi ng kaso, na naging batayan ng desisyon ng Sandiganbayan na tapusin ang natitirang claims.
Patuloy namang inaasahan ang opisyal na pahayag mula sa mga panig kaugnay ng naging desisyon ng korte.



