
Naghain ang Sandiganbayan Fourth Division ng not guilty plea para kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. matapos siyang tumangging maghain ng plea sa kasong graft nitong Lunes, Pebrero 9.
Ang kaso ay kaugnay ng umano’y P92.8 milyong “ghost” flood control project sa Pandi, Bulacan.
Giit ng kampo ni Revilla, pinapayagan ito sa ilalim ng Rules of Court, at tumanggi siyang maghain ng plea kaugnay ng kanilang mosyon na kumukuwestiyon sa legalidad o bisa ng impormasyon laban sa dating senador.
Samantala, naghain naman ng not guilty plea sina da¬ting Department of Public Works and Highways Bulacan First District Engineer Arjay Domasig at dating Accountant Juanito Mendoza.










