Nagpalabas ng 90-araw na preventive suspension ang Sandiganbayan Second Division laban kay Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng nakabinbing kasong graft na may kinalaman sa umano’y anomalya sa mga proyektong flood control.

Sa resolusyong may petsang Hunyo 16, iniutos ng anti-graft court ang pansamantalang pagsuspinde kay Estrada bilang senador at sa iba pang posisyong pampubliko na maaaring hawak niya sa loob ng 90 araw, sa oras na maging pinal ang nasabing resolusyon.

Nahaharap si Estrada sa kasong paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Bukod dito, may hiwalay ding mga kasong plunder at graft na kinahaharap ang senador sa Sandiganbayan kaugnay rin ng isyu sa flood control projects.

Patuloy rin ang pagdinig sa 11 iba pang kasong graft laban kay Estrada na may kaugnayan sa umano’y maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund o PDAF mula pa noong 2014.

-- ADVERTISEMENT --