TUGUEGARAO CITY-Naghain ng Temporary Restraining Order ang Vice Governor’s Office at sangguniang panlalawigan ng Cagayan laban kay Governor Manuel Mamba, sa kanyang chief of staff at department heads ng kapitolyo.

Sinabi ni Vice Governor Melvin “Boy” Vargas, Jr., na layunin ng kanilang inihaing TRO sa korte na hilingin na ibasura ang memorandum na inilabas ni Mamba na pirmado ng kanyang chief of staff na tinatanggal ang appointing power ng vice governor na dahilan kaya hindi pa sumasahod ang mga consultants at job orders na nasa legislative branch.

Bukod dito,sinabi ni Vargas na pinipilit umano ng executive branch na may insertions sa kanilang budget na ayon sa kanya ay dumaan na ito sa Department of Budget and Management at Commission on Audit.

Kasabay nito,nilinaw ni Vargas na kinatawan lamang siya ng nasa mahigit isang daang empleyado ng SP na naghain ng kaso.

Binigyan diin ni Vargas na wala siyang nakikitang dahilan para hindi pasahurin ang mga nasabing empleyado.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Vargas na hindi dapat na ginigipit ang mga nasabing empleyado dahil sa may pamilya ang mga ito na pinapakain.

tinig ni Vargas

Sa kabila nito, tiniyak ni Vargas na tuloy pa rin ang kanilang trabaho lalo na ang paghimay sa panukalang budget.