Inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Cagayan ang 2024 Supplemental Budget No. 03 at 04 sa kanilang ika-118 na regular session.

Sa kabuuang halaga, umabot sa mahigit P95 million ang Supplemental Budget No. 03, habang ang Supplemental Budget No. 04 naman ay nagkakahalaga ng mahigit P49 million.

Unang isinalang ang Supplemental Budget No. 03 para sa first reading, na agad namang inaprubahan ng mga miyembro hanggang sa third at final reading.

Samantala, bago matapos ang session, mabilis ding inaprubahan ang Supplemental Budget No. 04 sa pangunguna ni 3rd District Board Member Rodrigo De Asis, na nagsilbing presiding officer ng sesyon.

Nakapaloob sa mga pondong ito ang mga proyekto at programang ipatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na direktang mapapakinabang sa lahat ng mga Cagayano.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, inaprubahan din ng Sangguniang Panlalawigan ang Supplemental Provincial Development Investment Program (SPDIP) para sa 2023-2028 at ang Supplemental Annual Investment Program No. 3 para sa taong 2024, na tinalakay din sa kanilang mga sesyon.

Ang hakbang na ito ay mahalga para masiguro angp patuloy na pag-unlad ng probinsya at ang pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan ng Cagayan.