Tuguegarao City- Labis na ikinatuwa ni Tuguegarao City Councilor Atty. Raymund Guzman na isa siya sa mga maswerteng nabunot sa unang araw ng pamamahagi ng Limited edition na “Radyo Para sa Pilipino” promo bilang handog pasasalamat sa 55th Anniversary ng Bombo Radyo Philippines.
Bukod sa maaaring dalhin sa sasakyan at opisina ay labis na nagustuhan ni Guzman ang napanalunang radyo dahil mayroon din itong commemorative sticker ng Bombo Radyo.
Sa kanyang mensahe, nagpasalamat ang opisyal at binigyang diin ang mahalagang papel na ginagampanan ng bombo radyo sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko lalo na ngayong pandemya at paglaban sa fake news sa kabila ng pag-usbong ng teknolohiya.
Sinabi ni Atty. Guzman na mahigit 90% ng populasyon sa Tuguegarao City ay nakikinig sa Bombo Radyo.