ctto

TUGUEGARAO CITY-Magpapatawag ng special session ang sanguniang panlalawigan ng Cagayan sa araw ng Lunes para pakinggan ang mga basehan sa pagdeklara ng State of Calamity sa buong lalawigan dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Una rito, sinabi ni Governor Manuel Mamba na magpapasa sila ng resolution sa Sangguniang Panlalawigan para sa pag-apruba ng state of calamity matapos na irekomenda ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC.

Ayon kay Vice Governor Melvin Vargas, sisikapin ng kanyang opisina na makipag-ugnayan sa mga miembro ng SP para matugunan ang pangangailangan ng lalawigan at makaiwas sa naturang virus.

Kaugnay nito, hinimok ni Vargas ang publiko lalo na ang mga uuwi o umuwi sa probinsiya mula sa lungsod ng Maynila na sumailalim sa self-quarantine.

TINIG NI MELVIN VARGAS