Patuloy na iniimbestigahan ngayon Bureau of Fire Fire Protection (BFB) Tuguegarao ang dahilan ng sunog sa isang residential house na ikinadamay ng isa pang business stall sa Brgy. Centro 7, Tuguegarao City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Tuguegarao kay Redel Tagaruma, residente sa tapat ng nasunog na bahay, pasado alas 10 ng gabi nang makaamoy sila ng tila nasusunog na goma at paglabas ng kanyang misis sa kanilang bahay nakita niya na malaki na ang apoy na tumutupok sa bahay at kumalat na ito sa puwestong nasa harap ng compound.
Dahil dito ay naalarma sila at agad na itinawag ang insidente sa BFP Tuguegarao na agad namang rumesponde.
Sinabi ni Tagaruma na walang nakatira sa loob ng bahay at sa kanilang hinala ay maaaring sa wirings ng kuryente nagmula ang sunog ngunit ito ay depende pa rin sa magiging imbestigasyon ng BFP.
Kabilang sa agad na rumesponde ay ang apat na fire truck ng BFP Tuguegarao at tumulong din ang tig-isang fire truck na mula Solana at PeƱablanca.
Wala namang nasaktan dahil nabatid na wala ng nakatira sa nasabing bahay habang wala na ring iba pang pasilidad na nadamay sa nasabing sunog.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Tugeugarao ay pagmamay-ari ng pamilya Quimosing ang nasabing bahay.
Abangan ang kabuuang detalye.