Nagbabanta ngayon ang bagyong Marce sa Babuyan Islands at northern mainland Luzon habang patuloy ang paglakas nito.

Pinag-iingat ang publiko sa banta ng malakas na hangin na dala ng bagyo sa mga nasabing lugar.

Posibleng makakaranas ng malaking impacts mula sa gale-force winds sa mga lugar na nasa ilalim ng wind signal no. 3.

Ang pinakamakataas na wind signal na maaaring pairalin sa pananalasa ng bagyong Marce ay wind signal no. 4.

Magdadala rin ang bagyo ng northeasterly wind flow at malalakas na pagbugso ng hangin ngayong araw sa mga susunod na lugar, lalo na sa coastal at upland areas na lantad sa hangin:

-- ADVERTISEMENT --

Halos lahat ng lugar saCagayan Valley at Cordillera Administrative Region, Ilocos Norte, Ilocos Sur, and Pangasinan, habang bukas naman ay sa Ilocos Region at Aurora na wapang Wind Signals, Zambales, at Polillo Islands.

May mataas na panganib na magkaroon ng storm surge na 2.0 hanggang 3.0 meters above normal ride levels sa susunod na 48 oras sa low-lying areas o mga coastal localities ng Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.

May Gale warning na sa seaboards ng Northern Luzon at eastern seaboard ng central Luzon.

Tinaya na kikilos si Marce pa-Kanluran Hilagangkanluran ngayong araw na ito sa karagatan ng silangan ng Cagayan bago aakyat pa-kanluran bukas hanggang Sabado patungo sa Babuyan Channel at sa northern portion ng West Philippine Sea.

Sa forecast track, magla-landfall si Marce bago tatawid sa Babuyan Islands o sa northern portion ng mainland Cagayan, Ilocos Norte, at Apayao o lalapit ito sa mga nasabing lugar simula bukas ng hapon hanggang Biyernes ng umaga.

Posibleng lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) region sa Biyernes ng gabi.

Inaasahan na lalo pang lalakas si Marce at maaabot ang peak intensity ngayong araw na ito sa pagdaan nito sa Babuyan Channel.

Asahan din ang bahagyang paghina ng bagyo bunsod ng interaction sa terrain sa mainland Luzon, bagamat mananatili itong bagyo habang tinatahak nito ang PAR Region.

Namataan ang sentro ng mata ng bagyo sa 305 kilometers sa silangan ng Tuguegarao City o 315 km East ng Aparri, Cagayan.

Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 10 km/h, na may dalang lakas ng hangin na 150 km/h malapit sa gitna at pagbugso na 185 km/h.

Nakataas ngayon ang signal no. 3 sa Santa Ana, Cagayan dahil kay Marce.

Signal no. 2 manan sa Batanes, Babuyan Islands, northern portion of mainland Cagayan (Gonzaga, Lal-Lo, Santa Teresita, Buguey, Gattaran, Baggao, Lasam, Abulug, Camalaniugan, Pamplona, Claveria, Aparri, Ballesteros, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Rizal, Santo NiƱo, Alcala, Amulung), at northern portion of Apayao (Calanasan, Luna, Pudtol, Santa Marcela, Flora, Kabugao).

Signal no. 1 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, iba pang bahagi ng Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, northern portion ng Benguet (Mankayan, Buguias, Kabayan, Bakun, Kibungan, Bokod, Atok), nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, at northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler).