Aminado si Sto Niño, Cagayan Mayor Vincent Pagurayan na kulang ang ibinibigay na tulong ng pamahalaan sa kasalukuyang kalagayan ng mga magsasaka sa mababang farm gate price ng palay.

Ayon sa alkalde, hindi sapat ang ayudang ibinibigay ng gubyerno sa dulot ng pagsabatas ng malayang pag-aangkat ng bigas sa ilalim ng Republic Act 11203 o ang Rice Liberalization Law.

Kaugnay nito, umapela si Mayor Pagurayan sa Land Bank of the Philippines na tulungan ang sektor ng pagsasaka na siyang bumubuhay sa Pilipinas at nagbibigay pagkain sa mga Filipino.

Binigyang diin nito na kailangang matulungan at sagipin ang mga magsasaka na lubhang apektado ng mga polisiyang ipinatupad ng gobyerno sa pagdagsa ng imported na bigas sa bansa.