Tuguegarao City- Patuloy ang namamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 ng Social Amelioration Program (SAP) sa mga wait listed o left out beneficiaries sa rehiyon.

Sinabi ni Jeanet Lozano, tagapagsalita na sa kasalukuyan ay aabot na sa 4,697 families na ang naabutan ng tulong pinansyal.

Sa tala ng DSWD Region 2 ay nasa 57, 140 pa ang bilang ng mga left out beneficiaries sa rehiyo batay sa isinumiting datos ng bawat LGUs.

Ayon kay Lozano, ibinabahagi ang SAP sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng dalawang pamamaraan tulad ng direct cash pay out at digital payment.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi naman ni Leon Milan Emmanuel Romano, Focal Person ng SAP, mahigpit din ang ginagawang validation ng kanilang tanggapan pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa DOLE, DA, SSS, LGUs at iba pang tanggapan.

Bahagi aniya ito ng reduplication process ng ahensya upang matiyak na minsan lamang nakatanggap ng ayuda ang benepisyaryo mula sa pamahalaan.

Samantala, nabatid pa na unang namahagi ng cash assistance ang DSWD region 2 nitong nakalipas na July 17.