Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na tuloy-tuloy ang delivery ng mga isda sa kabila ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Dr. Emma Ballad ng BFAR- Region II na sapat ang suplay ng isda dahil nananatili sa mataas na volume ang ibinabiyahe sa rehiyon na galing sa Dagupan, Bulacan at Navotas.

Sa ilalim ng Memorandum Cirular No.7 na nilagdaan ni Agriculture Secretary William Dar, pinapayagan sa mga COVID-19 checkpoint ang mga agricultural products, kabilang ang mga farm at fishery inputs basta’t kumpleto sa dokumento.

Sa katunayan, naabisuhan na ang mga nagmamando sa mga checkpoint kaugnay sa naturang direktiba upang masiguro na hindi maaantala ang mga nagdadala ng pagkain at iba pang essential supply sa rehiyon dos para hindi maapektuhan ang presyuhan nito sa merkado.

Tinig ni Dr. Emma Ballad ng BFAR- Region II

Maaari namang makipag-ugnayan sa BFAR ang mga mangingisda para mahanapan ng merkado na posibleng pagbentahan ng kanilang produktong isda.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Dr. Emma Ballad ng BFAR- Region II