TUGUEGARAO CITY-Ipinatupad na ang sapilitang pagsusuot ng face mask at face shield sa bayan ng Allacapan, Cagayan , simula kahapon, Nobyembre 9, 2020.

Layon nitong matiyak ang kaligtasan ng mamamayan kontra covid-19 matapos makapagtala ang nasabing bayan ng local transmission.

Base sa kautusan na inilabas mula sa opisina ni Mayor Harry Florida ng Allacapan, kinakailangang magsuot ng face mask at face shield kung nasa pampublikong lugar tulad ng palengke at simbahan.

Sapilitan din ang pagsusuot ng face mask paglalabas ng tahanan.

Nakapaloob din sa atas ng alkalde na hindi maaaring lumabas sa kanilang tahanan ang nasa edad 15 pababa at 65 pataas maliban na lamang kung may balidong dahilan.

-- ADVERTISEMENT --

Napagpasyahan din na kailangan sarado na ang pampublikong pamilihan pagsapit ng alas singko ng hapon para makapagsagawa ng disinfection sa loob ng palengke.

Paalala rin ng local na pamahalaan ng Allacapan ang palagiang paghuhugas ng kamay maging ang paggamit ng alcohol. with reports from Bombo Eliseo Collado Jr.