Wala pang natatanggap na kahilingan si Defense Secretary Gilbert Teodoro mula kay Vice President Sara Duterte para alisin ang mga sundalong nakatalaga bilang kanyang security detail.

Sinabi ni Teodoro na may karapatan si Duterte na hilingin ang pag-alis ng kanyang security detail kung nawalan na siya ng tiwala sa mga ito.

Ayon kay Teodoro, ang pagbibigay ng seguridad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa bise presidente ay isang courtesy at privilege.

Nilinaw din niyang hindi siya ang pumipili sa mga sundalong itinalaga bilang kanyang security personnel, dahil dapat umanong walang personal na konsiderasyon sa deployment ng mga ito.

Dagdag ni Teodoro, ang mga sundalong nakatalaga sa security duties ay sinanay para sa kanilang misyon at dapat nakabatay sa pangangailangan ng kanilang assignment ang kanilang deployment.

-- ADVERTISEMENT --