
Ipinagtanggol ni Vice President Sara Duterte ang pagbisita niya kina Senador Rodante Marcoleta at Senador Jinggoy Estrada, gayundin kay dating kongresista Mike Defensor, sa Quezon City Jail sa Payatas.
Ayon kay Duterte, wala siyang nakikitang mali sa pagbisita sa mga persons deprived of liberty o PDLs, lalo na sa mga taong itinuturing niyang kaibigan. Hinikayat umano niya ang mga ito na manatiling matatag at gawin ang makabubuti para sa bansa.
Sinabi rin ng bise presidente na dapat ipakita ang malasakit at pakikiramay sa mga nakakulong dahil hindi na nila nagagawa ang karaniwang gawain sa kanilang buhay.
Kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nakausap ni Duterte sina Estrada, Marcoleta, at Defensor sa kanyang pagbisita na tumagal nang halos tatlong oras.
Si Estrada ay nahaharap sa kasong plunder na may kaugnayan sa umano’y ₱537-milyong flood control scam, habang si Marcoleta ay nahaharap din sa plunder case matapos aminin ang pagtanggap ng ₱75 milyon na campaign funds na hindi umano naisama sa kanyang statement of contributions and expenditures noong 2025 midterm elections.
Samantala, inaresto naman si Defensor kaugnay ng alegasyon na nagbigay siya ng ₱30 milyon mula sa naturang halaga kay Marcoleta.










