Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa mga opisyal ng pamahalaan na itigil ang pamumulitika at ituon ang kanilang pansin sa pagpapabuti ng kalagayan ng bansa at ng mamamayang Pilipino.

Sa ambush interview sa pagdiriwang ng Araw ng Bigaan at ika-65 Patronal Fiesta sa Hinatuan, Surigao del Sur noong Hulyo 8, sinabi ni Duterte na dapat tigilan ng ilang opisyal ang paggamit ng panawagan para sa transparency at accountability kung ang tunay na layunin ay pansariling interes sa pulitika. Hinimok din niya ang mga ito na pagtuunan ang kaayusan, kapayapaan, at kaunlaran ng bansa upang mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.

Hinikayat din ng Bise Presidente ang publiko na huwag mawalan ng pag-asa sa posibilidad ng pagbabago at sa kakayahan ng Pilipinas na maging isang maunlad na bansa. Samantala, pormal nang nagsimula noong Hulyo 6 ang impeachment trial laban kay Duterte kaugnay ng mga reklamong culpable violation of the 1987 Constitution, graft and corruption, betrayal of public trust, bribery, at iba pang matataas na krimen.