
Kinumpirma ni NBI Director Angelito Magno na hiniling ni Sarah Discaya na mailipat sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa Lapu-Lapu City Jail sa Cebu.
Ang kahilingan ay kaugnay ng mga kasong graft at malversation of public funds na kinakaharap ni Discaya.
Ayon kay Magno, hinihintay pa nila ang desisyon ng korte hinggil sa naturang mosyon.
Posible umanong pagdesisyunan ito ng korte sa arraignment ng kaso sa January 13.
Samantala, kinumpirma rin ni Magno na patuloy ang paghahanap ng NBI kay dating Cong. Zaldy Co upang isilbi ang warrant of arrest kaugnay ng kanyang pagkakasangkot sa ₱289-milyong flood control anomalies sa Oriental Mindoro.
-- ADVERTISEMENT --










