
Kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Lito Magno na nananatili pa rin sa ahensya si Sarah Discaya kasunod ng pagsuko nito kamakailan.
Sa ngayon ay wala pang warrant of arrest na inilalabas laban kay Discaya kaugnay ng katiwalian sa flood control sa Davao Occidental.
Kaugnay nito, sinabi ni Magno na habang wala pa nito, may karapatan ang akusado na umalis sa kanilang kustodiya.
Sa huli, tiniyak naman niyang sa sandaling magkaroon na ng warrant, isisilbi nila ito.










