Naaksidente ang kaninang umaga ang sasakyan na lulan ang mga estudyante na kalahok sana sa Bodong Drum and Lyre Competition.

Ang mga ito ay galing ng Balbalan, Kalinga, at habang binabagtas ang daan sa Barangay Saleng sa nasabing bayan patungong Tabuk City, nagkaroon ng aksidente kung saan natumba ang kanilang sasakyan.

Dinala sa ospital sa Bulanao, Tabuk City ang ilang sakay ng nasabing sasakyan.

Gayunman, patuloy pa rin ang pagtukoy ng mga kinauukulan sa mga casualties sa nasabing aksidente.

Sa ngayon ay iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng nasabing aksidente, bagamat isa sa tinitignang dahilan ay ang madulas na kalsada dahil sa mga pag-ulan.

-- ADVERTISEMENT --

Kasalukuyan ngayon ang selebrasyon ng 30th Founding Anniversary at 6th Bodong Festival, kung saan ay may mga nakalinya na mga aktibidad na kalahok ang iba’t ibang bayan ng lalawigan.

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Rooted in Culture, United in Progress: LUMIN-AWA Kalinga!”