Tuguegarao City- Narekober ng PNP Tuguegarao ang isang sasakyang hinihinalang ginamit at may kaugnayan sa nangyaring pagpatay sa 4 na car dealer sa Amulung West, Cagayan.

Sa panayam kay PLTCOL Jonalyn Tecbobolan, hepe ng PNP Tuguegarao, nakita sa bahagi ng Annafunan East ang iniwang sasakyan.

Batay aniya sa pagsisiyasat ay nakapangalan ito sa isang Rufa Princes Hernandez na mula sa Lipa Batanggas at nirentahan ng ng isang PAG-IBIG Fund Employee na nagngangalang Dennis Mojado.

Sinabi pa ng hepe na P4,500 kada araw umano ang napagkasunduang renta sa naturang sasakyan.

-- ADVERTISEMENT --

Paliwanag pa aniya ng nagrenta kay Hernandez ay maayos ang kondisyon ng sasakyan ngunit hindi naman nito sinabi kung nasaan ito.

Ayon pa kay PLTCOL Tecbobolan, nakalock ang naturang sasakyan ng iwanan ito ng mga salarin sa nabanggit na lugar.

Giit nito, maaaring may kaugnayan ang sasakyan sa naganap na krimen kamakailan dahil bago ang pagkahuli sa mga suspek ay namataan na ang naturang sasakyan at ginamit bilang convoy.

Sa ngayon ay patuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang totoong motibo sa likod ng krimen at mapanagot pa ang mga hindi pa nahuhuling salarin.