Natagpuan ng mga rangers sa Australia ang isang sawa na may tatlong mata.
Makikita sa mga wildlife officials sa Australia ang kakaibang python na may ikatlong mata sa gitnang bahagi ng ulo nito.
Makikita raw sa x-ray ng python na gumagana ang pangatlong mata nito.
Noong una ay inakala ng mga eksperto na sanhi ng dalawang ulong nagsanib ang pagkakaroon ng ikatlong mata ng python ngunit makikita raw sa x-ray na sadyang may butas ang noo nito para sa ikatlong mata.
Pinangalanang Monty Python ang sawa, na tinata-yang tatlong buwan na ang edad nang ito’y madiskubre ng mga rangers.
Ngunit,hindi nagtagal, namatay rin ang sawa.
Ayon sa rangers, mahina na raw ang python nang matagpuan ang sawa at mahina na raw itong kumain ,hanggang tuluyan nang binawian ng buhay.