Malaya pa rin ang mga law school na magpatupad ng kanilang standards para sa admission ng mga nais na mag-aral ng kursong abogasya ayon sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).
Ito ay sa kabila ng pagbasura ng Korte Suprema sa pagsasagawa ng Legal Education Board (LEB) ng nationwide law admission examination o Philippine Law School Admission Test (PHILSAT).
Ayon kay IBP President Atty. Egon Cayosa na bagamat pag-uusapan pa lamang ng IBP board governors ang desisyon ng SC ay ikinatuwa nito ang pagkakaresolba sa isyu ng constitutionality ng PHILSAT na matagal nang pinagdedebatehan.
Gayonman, sinabi ni Cayosa na may academic freedom ang mga law school na pumili ng mga gustong mag-aral sa abogasya at hindi ito maaaring panghimasukan ng SC.