Ibinasura ng Korte Suprema ang isang probisyon ng 2018 Social Security System (SSS) Act na nag-uutos sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na magbayad muna ng kanilang kontribusyon bago sila payagang makaalis ng bansa.

Sa isang desisyon na may 40 pages, itinuring ng SC En Banc na labag sa Saligang Batas ang Rule 14, Section 7 ng Implementing Rules and Regulations ng Republic Act (RA) No. 11199, dahil ayon sa kanila, sumasalungat ito sa Sections 1 at 6 ng Article III ng Constitution.

Matatandaan na ang RA 11199 (Social Security Act), na nilagdaan ni Former President Rodrigo Duterte, ay nag-uutos sa mga land-based na OFWs na mag-enroll at magbayad ng kontribusyon sa SSS bilang mga self-employed members, mag-ambag din ng bahagi ng employer sa kontribusyon, at magbayad ng tatlong buwang kontribusyon nang maaga bago makakuha ng Overseas Employment Contract (OEC).

Sinusuportahan nito ang 2019 petition ng Migrante International na nagsasabing ang probisyong ito ay lumalabag sa mga karapatan ng mga OFWs.