Hindi na kailangan ng mga biktima ng rape o panggagahasa na patunayan na lumaban siya kung ito ay ginawa sa pamamagitan ng puwersa, pagbabanta, o pananakot.
Ito ay batay sa ruling ng Supreme Court.
Sa statement, tinukoy ng SC ang June 2024 decision na isinulat ni Associate Justice Maria Filomena Singh kung saan ay napatunayan na nagkasala o guilty sa paggagahasa ang ama sa kanyang anak na babae ng siya ay siyam na taong gulang hanggang sa 16 years old.
Sa pagpapatibay sa conviction, tinukoy ng SC ang Article 266-A ng Revised Penal Code, kung saan nakasaad na may rape kung may nangyari na sexual intercourse sa pamamagitan ng pamimilit, pagbabanta, o pananakot; kung ang biktima ay walang malay; sa pamamagitan ng panloloko o abuse of authority; o kung ang biktima ay wala pa sa edad na 12 o siya ay may problema sa pag-iisip.
Ayon sa SC, sa kasong panggagahasa sa pamamagitan ng mga nabanggit na sitwasyon, sapat na upang sabihin na may nangyaring rape sa biktima.
Samantala, nilinaw ng SC ang kanilang naunang desisyon na hindi maaaring sabihin ng isang babae na siya ay biktima ng panggagahasa maliban lamang kung siya lumaban o tumanggi.
Sinabi ng High Court na ang mga ito ay taliwas sa kasalukuyang doktrina at layunin na palakasin ang misguided stereotypes sa gender bias at insensitivity.
Ipinaliwanag sa ruling na ang paniniwala na ang babae na hindi lumaban ay may pahintulot sa panggagahasa ay hindi katanggap-tanggap sa lipunan.
Sinabi ng SC na ipinapalagay na may karapatan ang mga lalaki sa katawan ng isang babae sa lahat ng pagkakataon at lugar.
Idinagdag pa ng SC, sa maraming insidente, ang offender ay malapit o kilala ng biktima.
Sa katulad na kaso, iginiit ng High Court na ang bata ay asahan na hindi lalaban o tatanggi sa pang-aabuso ng kanyang ama, hindi lamang dahil sa malakas ito subalit dahil din sa paggamit sa moral authority sa kanyang anak.