Pinag-aaralan ng Supreme Court ang paggamit ng artificial intelligence para mapabilis ang pagbalangkas ng mga desisyon at mapabuti ang operasyon sa hudikatura.
Sinabi ni Court Administrator Raul Villanueva sa mga miyembro ng Senate finance subcommittee sa pagdinig kahapon sa O67.57 billion na panukalang budget para sa 2025 na may ginagawa na silang voice-to-text transcription.
Ayon sa kanya, umaasa sila na makakagawa sila ng AI na kayang magsalin ng mga testimonya sa isang diyalekto, halimbawa, Ilocano sa English.
Ayon sa kanya, sa kasalukuyan ay gumagamit sila ng AI para sa pananaliksik at pagsubaybay sa mga kaso.
Ipinaliwanag ni Villanueva na bukod sa pagbibigay ng data para sa policy at decision-making, maaari ding gamitin ang AI sa pagbalangkas ng mga desisyon.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Senator Grace Poe ang Supreme Court na huwag masyadong umasa AI bagamat maaari itong gamitin para sa counterchecking sa human side ng desisyon.
Tiniyak naman ni Associate Justice Mario Lopez sa Senado na hindi naman sila lubusang umaasa sa AI dahil may humanity na sangkot sa disposition ng mga kaso.
Inihalimbawa ni Lopez sa katatapos na bar exams kung saan nakita nila na hindi sapat ang paggamit ng AI.