Hiniling ng Korte Suprema sa Senado na tumugon sa loob ng 10 araw, na walang pagpapalawig, sa petisyon na humihiling para sa agad na paglilitis sa beripikadong impeachment complaints na inihain ng Kamara laban kay Vice President Sara Duterte.

Tinugunan ng SC sa kanilang sesyon kahapon ang petisyon na inihain ni Atty Catalino Aldea Generillo Jr.

Sa sandaling matanggap ng mga Senado ang resolusyon ng SC, magsisimula na ang pagbibilang ng 10 araw.

Hindi pa matiyak kung kakatawanin ng Office of the Solicitor General (OSG) ang Senado o maghahain ito ng sarili nilang komento.

Maghahain si Generillo ng mandamus petition, kung saan tinukoy niya ang mga probisyon sa Saligang Batas.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kanyang petisyon, sinabi niya na nakasaad sa Saligang Batas na dapat na agad na aksionan ng Senado ang isang beripikadong impeachment complaint at huwag gamitin na rason ang kanilang recess.

Kaugnay nito, sinabi ni High Court spokesperson Camille Ting, na inaatasan ang SC na tukuyin kung ang pleadings ay nakakatugon sa Konstitusyon.

Ayon sa kanya, binibigyan ng Charter ang SC na alamin kung may grave abuse of discretion.

Paglilinaw ito ni Ting sa mga tanong kung kailangan na makialam ang SC sa nasabing usapin.