Pinayagan ng Supreme Court ang Sandiganbayan na ituloy ang plunder trial laban kay dating Senator at ngayon ay Chief Presidential Legal Counsel, Juan Ponce Enrile.
sa botong 13-0, ibinasura ng Supreme Court ang petition for prohibition ni Enrile sa kanyang plunder case, kung saan inakusahan siya na nagbulsa ng mahigit P172 million na pork barrel funds.
Ang alegasyon ang isa sa highlights sa pork barrel scandal noong 2013.
Nag-ugat ang kaso mula sa June 5, 2014 na plunder complaint na inihain ng Ombudsman laban kay Enrile, ang kanyang chief of staff sa nasabing panahon na si Jessica Reyes, Ronald Lim, John Raymund de Asis at Janet Lim Napoles na napatunayang guilty ng Sandiganbayan dahil sa hindi tamang paggamit sa prok barrel fund ni Senator Ramon Revilla Jr.
Ayon sa complaint, si Enrile at apat ba iba pang akusado ay ibinulsa ang P172 million mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong 2004 hanggang 2010.
Ayon sa Supreme Court, maaari namang maghain ng apela si Enrile sa kung ano ang magiging desisyon ng Sandiganbayan.