Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang apat na estudyante mula Piat National High School dahil sa kanilang katapatan sa pagsasauli ng napulot na brown envelope na naglalaman ng P68-K.
Kasama ng kanilang mga magulang, guro at Brgy officials ay emosyonal na tinanggap nina JayM Agustin, Kurt Exiquiel Baribad, Danny Boy Daguio, at Arjay Gulatera ang certificate of recognition at cash reward na tig- P5-K, kasabay ng isinagawang flag raising ceremony.
Bukod dito, pinagkalooban din sila ni Governor Manuel Mamba ng scholarship hanggang sa makatapos sila sa pag-aaral sa kolehiyo.
Matatandaan na hinangaan ang katapatan ng apat na mag-aaral na sa kabila ng hirap sa buhay ay nagdesisyon ang mga ito na isauli ang pera sa may-ari na isang jeepney driver kung saan ipinadala lamang ito sa kanya.
Aniya, nanaig sa isipan ng mga bata ang maging tapat na laging ipina-aalala ng kanilang mga magulang.