Magsisimula ang School Year (SY) 2025-2026 sa June 16, batay sa Department of Education (DepEd) order.

Ito ay kasunod ng pagbabalik sa lumang June-to-March school calendar na inaprubahan ni President Ferdinand Marcos Jr. bilang pagtugon sa concerns ng publiko noong May 2024.

Nakasaad sa DepEd Order na magsisimula ang pasukan sa June 16, araw ng Lunes at magtatapos sa March 31, 2026.

Ito ay bubuuin ng 197 class days kasama ang end-of-school-year rites, o maaaring matukoy sa pamamagitan ng ilalabas na mga kautusan sakaling may mga pagbabago sa school calendar dahil sa hindi inaasahan na pangyayari.

Itinakda sa DepEd order sa June 9 hanggang 13 ang Brigada Eskwela, ang taunang school maintainance program.

-- ADVERTISEMENT --