Iprinisinta ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang audio visual presentation ng 30 sa 2nd Cagayan Resiliency Award 2024.
Layunin ng aktibidad na na makita kung gaano kahanda ang mga MDRRMO sa panahon ng kalamidad at sakuna.
Kabilang sa mga nagpasa ng kanilang mga entry ay ang iba’t-ibang tanggapan ng Municipal DRRMO sa lalawigan maging ang mga private sector upang makita ang mga paraan nila sa pagtugon at maibsan ang mga possibleng epekto ng kalamidad sa lalawigan
Ayon kay Romy Ganal, weather specailist ng PAGASA na pipili ang mga evaluators ng top 3 at personal na pupuntahan ang mga ito sa mga susunod na araw para makita ang lahat ng mga inilagay sa kanilang audio video presentation.
Malalaman sa Hunyo 27 kung sino ang mag-uuwi ng kampeonato para sa 2nd Cagayan Resiliency award na isa sa mga tampok sa pagdiriwang ng ika-441 Aggao Nac Cagayan ngayong buwan ng Hunyo.