TUGUEGARAO CITY- Kulong ang isang construction worker matapos pagsasaksakin ang isang seaman sa Abulug, Cagayan.

Kinilala ni PCMSgt. Alejandro Rumina ang biktima na si Arthur Dela Cruz, 49 habang ang suspek ay si Marlon Ballinas, 31.

Sinabi ni Rumina, kusang sumuko sa barangay officials ng Barangay Siguiran ang suspek.

Ayon kay Rumina, batay sa salaysay ng suspek, niyaya umano sila ng biktima na mag-inuman habang hinihintay ang kanyang asawa mula sa Abulug School of Fisheries.

Dito na umano sila nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan hanggang sa humantong sa pananaksak.

-- ADVERTISEMENT --

Nagtamo ng siyam na saksak sa katawan ang seaman na dahilan ng kanyang pagkamatay.