Nakaalerto na ang binuong search and rescue team ng Palanan Municipal Risk Reduction and Management Office upang hanapin ang nawawalang RP-C1234 light aircraft matapos mag-take off sa Cauayan City Airport bandang alas 9:39 kahapon ng umaga patungo sana sa Bayan ng Palanan sa Isabela.

Ayon kay Glenn Calabdo, head ng MDRRMO Palanan, sakay ng naturang eroplano ang piloto at isang babaeng pasahero nito na pupunta sana sa Palanan kung saan huling natawagan ang piloto bandang alas 9:50 ng umaga at kalaunan ay hindi na siya makontak ng mga otoridad.

Aabot lang aniya dapat ng 30-35 minuto ang biyahe mula Cauayan City patungo sa Palanan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nakakarating at hindi pa matukoy ang kinaroroonan ng nawawalang eroplano.

Sinabi ni Cabaldo na nakahanda na ang mga kagamitan at mga pagkaing dadalhin ng grupo na maghahanap sa nawawalang eroplano kung saan huling na monitor ang lokasyon nito sa bahagi ng siera madre mountain sa pagitan ng boundary ng bayan ng San Mariano at Palanan sa Isabela.

Una rito ay inalerto na ni Isabela Governor Rodito Albano ang PDRRMO Isabela at nagkaroon na rin ng pagpupulong ang Office of Civil Defense at Disaster Management Officers sa lalawigan sa naturang lalawigan para sa gagawing search and rescue operation.

-- ADVERTISEMENT --

Kasama sa grupo na naghahanap ngayon sa nawawalang eroplano ang US Forces na nakabase sa 5th ID Philippine Army sa Gamu, Isabela, PNP, hanay ng BFP, at iba pang security and rescue forces ng gobyerno.

nanawagan ang mga otoridad sa mga residente ng mga lugar na posibleng dinaanan ng eroplano na ipagbigay alam sa mga kainuukulan kung may mga napansin na kakaibang pangyayari kaugnay sa pagkawala ng naturang sasakyang panghimpapawid

sa ngayon ay nakakaranasa ng makulimlim na panahon at pabugso-bugso ang ulan ang palanan dahil sa epekto ng amihan.