TUGUEGARAO CITY-Namahagi ng tulong si Presidential Spokesperson Harry Roque sa bayan ng Alcala na isa sa mga bayan sa lalawigan ng Cagayan na malubhang naapektuhan ng naranasang pagbaha sa probinsya.

Sinabi ni Sec. Roque na galing mismo sa kanya at sa kanyang mga kaibigan ang mga ipinamahaging tulong.

Nasa 400 na sako ng bigas ang ipinagkaloob ni Roque sa mga nabahang residente sa nasabing bayan.

Bukod dito, nangako rin si Roque na makikipag-ugnayan sila sa mga departamento tulad ng DSWD, DPWH at DEPED na mayroong quick reaction fund (QRF) para humingi ng QRF bilang pantugon sa mga kakailanganin pa ng naturang bayan para tulungan ang kanilang mga residente mula sa naranasang kalamidad.

Tinig ni Sec. Harry Roque

Nabatid kay Alcala Mayor Cristina Antonio na isang barangay lang ang hindi nalubog sa tubig baha sa kabuuang 25 brgy.ng nasabing bayan.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, pitong Brgy. ang totally submerged ng baha kung saan nasa 4,630 na pamilya na katumbas ng 12,731 na individual ang nasalanta. with reports from Bombo Marvin Cangcang