Hinigpitan ng Presidential Security Command (PSC)ang seguridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng tinawag na “active threat” ni Vice President Sara Duterte sa buhay ng Pangulo.

Ayon kay PSC Civil Military Operations Officer Manor Nestor Endozo, dinoble nila ang mga tao na nagbabantay kay Marcos.

Bagamat hindi niya ang eksaktong bilang ng security ni Marcos, sinabi niya na makikita ang mga ito sa tuwing mayroon siyang event o mga aktibidad.

Nag-ugat ito sa pahayag ni Duterte na may inupahan siya na papatay kay Marcos, sa kanyang asawa na si Liza at kay House Speaker Martin Romualdez kung siya ay mapapatay.