TUGUEGARAO CITY-Mahigpit na umano ang ipinatutupad na seguridad sa Davao City bilang paghahanda sa nalalapit na Palarong Pambansa 2019 sa darating na Abril 27 hanggang May 4.
Ayon kay Ferdinand Narciso, project development officer 4 ng Department of Education Region II, sa I.D pa lamang na ibinibigay sa mga delegado ay hindi umano basta-basta magagaya at hindi kung sino-sino umano ang maaring pumasok sa mga billeting area.
Aniya, makikita umano ang disiplina at kalinisan sa mga residente sa lugar.
Dahil dito, sinabi ni Narciso na huwag mag-alala ang mga magulang ng mga atleta dahil nasa mabuting kalagayan ang kanilang mga anak.
Samantala,sinabi ni Narciso na sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon umano ng “laro ng lahi” ang mga opisyales at coaches kasabay ng Palarong Pambansa.
Ayon kay Narciso layon nitong ipakita sa mga kabataan o atleta na marunong din makisalamuha at gumanap sa mga itinuturo ang kanilang mga trainors.