Inihayag ni Lucio Cruz Sia, bombo international news correspondent ng Paris France na may mga ilan ng naiulat patungkol sa mga nagpaplano ng panggugulo sa Paris Olympics 2024.
Partikular na dito ang pagkakahuli aniya ng isang lalake matapos na magplano ng terrorist attack sa olympics.
Bukod dito ay mayroon ring naitatalang 6 drones kada araw kung saan ilang mga foreigners ang nagpapalipad ng drone dahilan upang magalit ang Prime Minister ng France na si Gabriel Atal dahil imaituturing itong ilegal at maaari pang ma-sanction ang mga mahuhuling gumagamit sa olympics.
Dahil dito ay mas lalo pang hinigpitan ng mga naideploy na mga pulis ang seguridad ng mga dadalo sa nasabing olympics kung saan may mga iba na hindi na makapasok sa kanilang sariling restaurant dahil na rin sa mga inilagay na barrier at restrictions na magsisilbing proteksyon.
Sa ngayon ay may mga nakadeploy na ring helicopters sa buong Paris lalong lalo na sa olympic site upang mamonitor ang seguridad ng mga tao.