Iginiit ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste na dapat maiprayoridad ang sektor ng edukasyon sa 2026 national budget.

Naniniwala si Leviste na maraming problema ang mareresolba sa panig ng edukasyon kapag itinaas ang pondo nito.

Bunsod nito ay hangad ni Leviste na maging bahagi ng House Committee on Education at Committee on Appropriations.

Una rito ay inihain ni Leviste ang House Bill Number 27 na layuning magpatupad ng 1,000 na allowance program para sa mga mag-aaral mula kindergarten hanggang kolehiyo.

Kaugnay nito ay nagpasaya si Leviste na huwag kunin ang kanyang buwanang sahod para mailaan na lang sa mga proyekto o pantulong sa sektor ng edukasyon.

-- ADVERTISEMENT --