Patay ang isang security guard ng Philippine Ports Authority matapos na malunod sa bayan ng Claveria, Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PSSgt. Francis Tamayo, imbestigador ng PNP Claveria nagsasagawa ng inspeksiyon sa coast way ng ginagawang pantalan sa Brgy. Taggat ang biktimang si Pedro Sangjilan, 27 at residente ng Centro 3, Claveria nang madulas at hampasin ng malakas na alon.

Dahil dito, nahulog sa dagat ang biktima na nagresulta ng kaniyang pagkalunod.

Ayon kay Tamayo, halos isang oras bago narekober ng Philippine Coast Guard ang katawan ng biktima matapos itong lumutang nang tangayin ng alon bandang 7:30 kaninang umaga.

Ayon kay Tamayo na kabilang sa typhoon related casualty ang biktima dahil kay bagyong Maring.

-- ADVERTISEMENT --