Tiniyak ni Sen. Imee Marcos ang tuloy-tuloy na tulong sa mga magsasaka kasabay ng pamamahagi nito ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA) and Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROM) sa bayan ng Solana, Cagayan kaninang umaga.

Naging kinatawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang kapatid sa pamamahagi ng titulo ng lupa at certificate of condonation upang matulungan ang mga magsasaka na mapabuti ang kanilang pamumuhay.

Sa kaniyang talumpati, binigyang diin ng senador na hindi sapat na mabigyan ng libreng lupa ang mga magsasaka pero kailangan din na matulungan ang mga ito para maibsan ang kanilang mga gastusin sa pagsasaka.

Kaugnay nito, nasa nasa 6803 certificates of condonation with release of mortgage o cocrom ang ipinagkaloob sa 6,300 agrarian reform beneficiaries o arbs mula sa ibat ibang munisipalidad ng Cagayan.

Aabot naman sa mahigit P39 million ang kabuuang halaga ng mabuburang utang ng mga magsasaka sa kanilang sinasakang lupain
Nasa 900 ep/cloa titles at split e titles ang ipagkakaloob naman sa 581 arb’s kung saan sakop nito ang nasa 728 ektaryang lupain sa buong lalawigan ng Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --

Labis naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo dahil mababawasan ang kanilang mga alalahaning utang at mas mapaunlad ang kanilang pamumuhay.