Bukas umano si Senator Sonny Angara na susunod na hepe ng Department of Education (DepEd).

Sinabi ni Angara na bukas siya siya sa nasabing posisyon kung siya ay pagkakatiwalaan kapalit ng nagbitiw na si Vice President Sara Duterte.

Subalit, nilinaw ni Angara na na wala pa siyang natatanggap na alok para sa nasabing posisyon.

Suportado ng mga kapwa niya senador si Angara na magiging susunod na DepEd secretary dahil sa kanyang malawak na educational background.

Matatandaan na nitong June 29, inamin ni Pangulong Ferdinand Maros Jr. na isang malaking hamon ang pumili ng bagong kalihim ng DepEd at hiniling na bigyan pa siya ng sapat na panahon na magdesisyon.

-- ADVERTISEMENT --

Kinilala rin ng pangulo na makatuwiran ang mga panawagan sa kanya ng iba’t ibang sektor para sa kanyang pagpili ng susunod na kalihim ng kagawaran na dapat ay isang tunay na educator, administrator, o historical professor.

Gayonman, sinabi niya na walang shorlist para susunod na DepEd secretary dahil sa masusi niyang pinag-aaralan ang mga kuwalipikado sa posisyon.