Nagpaliwanag si Pangulong Marcos Jr. sa kanyang pagpili kay Senator Sonny Angara bilang susunod na kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education.

Sinabi ni Marcos na naiintindihan ni Angara ang maraming problema sa sektor ng edukasyon.

Nagbiro pa si Marcos na hindi niya alam kung ano ang itatawag niya kay Angara, kung Senador o secretary kasabay ng pamamahagi ng cash at iba pang ayuda sa mga magsasaka at mga mangisda sa Aurora.

Ayon sa Pangulo, nang naghahanap sila ng ipapalit sa nagbitiw na si Vice President Sara Duterte, ay naisip ang dapat na ilagay sa posisyon na marunong, masipag at nakakaunawa sa mga problema ng sektor ng edukasyon at naniniwala siya kayang pamahalaan at makapaglatag ng mga solusyon si Angara.

Pinasalamatan naman ni Angara si Marcos sa pagpili sa kanya sa nasabing posisyon.

-- ADVERTISEMENT --