Inamin ni Senator Bato dela Rosa na nagsilbing Philippine National Police chief noong Duterte administration na may mga human rights violations sa brutal na “drug war” campaign.

Gayonman, iginiit niya na dapat na magkaroon ng hiwalay na imbetigasyon sa mga nasabing paglabag.

Ipinunto pa ni Dela Rosa na kung may nangyari man na pag-abuso sa karapatang pantao sa isinagawang anti-drug campaign, wala umanong kinalaman dito si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit din ni Dela Rosa na binansagan na chief implementer ng madugong drug war ni Duterte na hindi dapat na iakyat ang mga reklamo sa International Criminal Court (ICC) dahil sa gumagana naman umano ang hustisya sa bansa.

Kabilang sina Dela Rosa at Duterte sa mga indibidual na inakusahan ng crimes against humanity ICC.

-- ADVERTISEMENT --

Una rito, inamin ni Dela Rosa na nababahala siya sa imbestigasyong ng ICC sa drug war killings sa bansa.