
Nananatiling bakante ngayong araw ang pwesto ni Senador Ronald Bato Dela Rosa sa naging resumption ng sesyon ng Senado.
Maalala, bago pa man ang naging adjournment ng session nitong Disyembre, ‘no show’ na si Dela Rosa matapos ang napaulat na paglalabas ng International Criminal Court ng warrant of arrest laban sa kanya.
Sa kabila nito, iginiit naman ni Senador Robin Padilla na bagamat hindi ito nakikita sa Senado ay tuloy-tuloy ang pagtatrabaho nito.
Samantala, sa naging ambush interview ngayon kay Senate President Tito Sotto sinabi nito na hindi pa rin nagpaparamdam sa kanya si Dela Rosa kung kaya’t hindi niya batid kung papasok na ba ito.
Sa ngayon, napapaisip din daw siya kung paano nakapirma si Dela Rosa sa ‘minority report’ o ‘minority opinion’ na isinumite ng minority bloc.










