Muling nanindigan si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na hindi umano siya magpapaaresto sa International Criminal Court (ICC).
Tahasang iginiit ni Dela Rosa na hindi raw siya magpapahuli sa naturang criminal court.
Nilinaw rin ni Dela Rosa na wala siyang balak lumabas ng bansa at iginiit na nakahanda raw siyang manatili sa Pilipinas hanggang sa kaniyang huling hininga.
Matatandaang umugong ang bali-balitang kabilang umano si Dela Rosa at ang kapuwa niya dating hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Oscar Albayalde na susunod na umanong arestuhin ng ICC, matapos ang matagumpay nitong pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, kaugnay ng naging madugo niyang kampanya kontra droga.
Samantala, nauna nang linawin ng Palasyo na nakahanda rin umano silang makipagtulungan sa International Criminal Police Organization (Interpol) kung sakaling maglabas din ng warrant of arrest ang ICC laban kay Dela Rosa.