Handa umano si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na harapin ang International Criminal Court (ICC) prosecutors, subalit ito ay kung siya ay kapapanayamin lamang.

Gayonman, nilinaw ni Dela Rosa na hindi ito nangangahulugan na yumuyuko siya sa hurisdiksion ng ICC.

Sinabi din niya na hindi ibig sabihin nito na handa siyang makipagtulungan sa ICC kung pupunta sa bansa ang kanilang mga imbestigador.

Si Dela Rosa ang chief implementer ng brutal na anti-drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Isa siya sa pinangalanan sa crimes against humanity complaint sa ICC.

-- ADVERTISEMENT --

Una rito, sinabi ni dating Senator Antonio Trillanes IV na ikonokinsidera si Dela Rosa at apat na iba pang opisyal ng Philippine National Police na suspects sa drug war case laban kay Duterte.